may secret ako...

11.21.2011 @ 11:10 PM♥

wala naman ata masyadong nakakaalam nitong blog na ito
meron sigurong konte, pero feeling ko nakalimutan na nila..haha

magkukuwento ako ng secret..
pero wag niyo itong ipagkalat ha?hehe

nung unang weekend ko dito sa iloilo, nung pag-2nd sem na, kami ay na-bored..
kasi naman dumating ako ng friday.. pagkatapos wala pa talagang klase pagka-lunes
sabado't linggo kaming na-bored..

pero,
nung linggo ng gabi.. naghahanap ng makakasama sa pagkain ng hapunan ang dalawa kong classmates at former boardmates na sila P at L..
sabi ko, nasa simbahan pa ako.. pero nagutom sila, at na-una na lang kumain
matapos ang misa, tinext ko sila ng "shot na lang daw ta unya, game?"

at hayun, game naman sila!

nag-simula ang gabi na kaunti pa lang kami..
ako, si Pat L, si M at ang roommate ko.

oo nga pala,
si roommate ay nag-promise kay T na hindi na xa iinom ulet..
kasi nung huling dalawang beses na nalasing siya, hindi kanais-nais ang kanyang mga pinanggagawa..
mejo rated R..hehe

hayun,
nag-simula na..
at naubos na namin ang isang bote ng boracay rhum
paalala: hindi ito masarap, o baka depende lang sa panlasa niyo..

syempre, ako iyong tanggera, hindi ako nalasing, sila lang! >:))

bumili kami ulet ng bagong maiinom, at dumating na rin ang dalawa pa naming inaantay.. si R at si J..
si J ay babae naming kaibigan

nung malalim na ang gabi, nalasing na sila ng tuluyan..
at ayaw na nilang umuwi
pero ako, gusto ko.. gusto kong matulog sa aking kama..

si J at si roommate (syempre) ay sumama na sa akin sa pag-uwi
nung nasa kwarto na, gusto nilang tumabi sa akin..
sabi ko naman, ayoko.. dahil lasing sila..
kahit babae sila, natatakot pa rin ako sa mga posibleng nilang gawin sa akin

so nag-latag ako ng banig para maging tatlo na separate na higaan ang nasa kwarto.

nasa kama ko si J..
nasa sahig si roommate..
ako nasa bed ni isa pang roommate..wala pa kasi siya..

mga bandang alas tres y media na kami natulog..
akala ko magiging tuloy2x na ito..
kelangan ko ng tulog dahil may meeting pa kami sa research kinaumagahan..

sa gitna ng pagtulog ko,
ako ay nagising
dahil may naririnig ako ng tawa ng babae.. iyong tipong kinikilig ba..
sabi ko pa, parang si roommate at J pa un ah..
ba't gising pa sila?

so dahan2x kong inikot ang ulo ko sa kama ni J.. (nakatalikod kasi ako sa kanila)
aba, pag-tingin ko..wala nang tao sa kama ko..
so dahan2x ko pang iginalaw ang ulo at katawan ko para tingnan si roommate..
at hayun, andun na si J! magkatabi sila..
naisip ko na, OK, baka nag-uusap lang..

sinubukan kong matulog ulet..

pero maya't-maya..nag-tatawanan na naman sila
tas matatahimik ng matagal..
pagkatapos ay tatawa ulet!

kinabahan ako sa mga pangyayari..
pero gusto kong masigurado..baka kasi kung ano2x lang ang naiisip ko..

at dinahan-dahan ko ulet ang pag-ikot ng ulo at katawan ko..

at HALA, ako'y nagulat sa aking nakita!
si roommate, nakapatong na kay J!
gumagalaw2x pa ang ulo!
di ko nga lang ma-tiyak kung ang ulo ba ni roommate ay nakatapat sa ulo ni J o sa ibang parte na ng katawan.

di ko kinaya ang nakita ko..
nandidiri ako sa kanila
naisip ko nga na iba talaga ang naidudulot ng kalasingan... tsk3.

nag-patuloy ito hanggang sa suminag na ang araw..
at nakapag-pahinga na ako simula nun..

at ilang araw lumipas nung nangyary,
na-kompirma ko na hindi sila lasing
at naalala nila ng maayos ang pangyayari..
hindi ba sila nandidiri sa kanilang ginawa?

kaya ngayon, umiba talaga ang pakikitungo ko kay roommate..
nakilala ko kasi siya bilang masiyahin at inosenteng tao.
mahilig siyang mag-"puppy eyes" pag inaasar
mahilig din siyang magpa-cute paminsan-minsan
bagay naman din sa kanya kasi maliit siya na babae..

pero ngayon, ibang-iba na ang tingin ko sa kanya
nawala na ang respeto ko sa kanya bilang isang tao..
ni ayaw ko na nga siyang makasabay sa paglalakad, sa pagkain o makatabi lang man sa klase..
nandidiri na ako sa kanya..
dahil napaka-pretentious niya..
nagsinungaling pa siya sa akin na matapos nung pangatlong inuman, nag-behave daw siya..

inis na inis talaga ako..
ayoko sa mga taong tulad niya.. sinungaling at mapag-panggap..

balang-araw, sasabihin ko sa kanya ang pangyayaring ito
para malaman niya kung bakit umiba ang pakikitungo ko sa kanya..

p.s.
kung nabasa niyo man ito,
heto na nga katotohanan..
pasenxa na lang...

it's better

11:02 PM♥

In life, I learned that if you can't say something nice, better not say something at all... tulad kanina:

nagising si roommate no. 2...
si roommate no. 1 ay nag-fefacebook...
ako naman, nagbabasa este minememorize ang notes para sa exam bukas..

bigla silang nagkwentuhan sa tapat nung laptop
tungkol ata sa mga facebook pictures o kung ano pa man un..

hindi tuloy ako makapag-concentrate..

so kesa pagsabihan ko sila na manahimik na lang (at sa ganung paraan ako pa iyong magmumukhang KJ), kinuha ko na lang ang aking notes at nag-walk out..

dun na ako sa labas ng kwarto nag-aral..mas tahimik pa!

pagbalik ko ng kwarto, tulog na ulet si roommate no. 2..
si roommate no. 1 ay nanahimik na ulet.
pero maya't-maya, kakanta..
eh napakatulis ng boses nia.. so talagang nakaka-irita sa tenga

buti na nga lang ay ibang kanta na ang kinakanta niya ngayon
mantakin niyo, simula nung biyernes, firework at waking up in vegas lang iyong kinakanta nia O_o

di ko alam kung na-iinsulto siya sa ginagawa ko..
pero sa tuwing kumakanta siya, nag-eearphones na lang ako..
tas ako naman iyong KAKANTA!
bwahahaha.

pasenxa..
naabot na kasi ata nila threshold ko..

ang konklusyon,
AYOKO NA NG ROOMMATE! :|
profile
July C.
UP Biology Student
soon to be a doctor
happy in ♥


find me on:
twitter / facebook / multiply / tumblr

tagboard


loves
bio 07gagayinainnajbjohnjongjulylylemikkomonneilnessatorenzwilsonyuri

previous posts
Confessions V.1 || this is not supposed to be this awkward :| || The One That Got Away Source: The Manila Times By:... || WOAH! || It's a little sad that he couldn't remember what h... || iloilo :( || may secret ako... || it's better || Medskul *round 1* || because I want this :) ||

archives
February 2008 || March 2008 || April 2008 || May 2008 || June 2008 || July 2008 || August 2008 || September 2008 || October 2008 || November 2008 || December 2008 || January 2009 || February 2009 || March 2009 || April 2009 || May 2009 || June 2009 || July 2009 || August 2009 || September 2009 || October 2009 || November 2009 || December 2009 || January 2010 || February 2010 || March 2010 || April 2010 || May 2010 || June 2010 || July 2010 || August 2010 || October 2010 || November 2010 || December 2010 || January 2011 || February 2011 || March 2011 || April 2011 || May 2011 || July 2011 || October 2011 || November 2011 || December 2011 || January 2012 || February 2012 || April 2012 || August 2012 || April 2013 ||


credits
CSS/BGPHOTO